NI: REY PUMALOY

Maghubad man sa sambayahan si Catriona Gray, rerespetuhin mo pa rin siya.

Kitang-kita naman kasi sa larawan n’yang nagpapaka-wholesome o tweetums ang Miss Universe 2018.

Kahit naka-two piece ang dalaga, nasa expression naman ng mukha nito ang kawalan ng pang-akit sa mga lalaki.

Gusto yata ni Catriona na mapanatili ang kanyang wholesome image. Mukhang ayaw niyang makipagsabayan sa mga beauty queen na gaya nina Kylie Versoza at Pia Wurtzbach na parusa sa puson ng mga kalalakihan.

Kung magpa-sexy kasi sa Instagram sina Pia at Kylie ay parang mga tukso.

Pero siyempre, imposibleng walang nagnanasa sa alindog ni Catriona. Gustong-gusto ng ibang kalalakihan ang mga pa-sweet na gaya nya.