tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioWalastik, fantastic! Ang dalawang patalastas na pinagbibidahan ni Catriona Gray, talaga namang well conceptualized, executed and produced, huh!

‘Yung una, gamit na gamit ang kanyang now famous swimsuit twirl. Ang galing nu’ng pagka-connect sa dots nu’ng pag-ikot ni Gray sa slow melt sundae na binebenta sa kasaluku­yan mula sa marami ang nanalig na pambansang fast food chain.

Naka-immaculate white long dress ang Philippines’ 4th Ms. Universe, pearl dang­ling earrings at ang ganda-ganda niya talaga. Pangabog ang pag-ikot at ang signature strike a pose ang vogue moment niya. Pati na rin ‘yung pagsubo niya sa sundae na may pa-windblown effect, wagi!

Ang pinakawagi para sa the diva that you love, ang enunciation at pronunciation ni Gray sa kanyang English lines sa commercial. Alam mong ang nagsasalita, ang pinakamagandang babae sa buong universe.

Sa pangalawang patalastas, hindi lang ganda ni Bb. Gray ang emphasized, pati na rin ang kanyang alindog, huh!

Best supporting commercial model rito si dating Ms. International 2016 Kylie Verzosa na in fairness to her, kineri niyang makipagsabayan kay Catriona pero hindi rin puwedeng ikaila, the difference is so crystal! Hindi ko na kailangang himayin pa kung paano kinabog ni Gray na hindi naman niya sinasadya ang kariktan ni Kylie.

Ang inspiration, obviously ay ang Victoria’s Secret Angels catwalk show. Si Versoza muna ang bumulaga. She donned a shiny, shimmering, splendid blue bustier with medium sized angel wings at sapat naman ang screen time niya sa commercial. Alam mong she gamely played support.

Si Gray, ay grand entrance talaga. Ibinaba habang nakaupo sa parang hula hoop. Ang mga angel wings niya, eksaherada at nu’ng rumampa na siya, parang ang emote niya talaga ay “Kylie, move over. Stop making pahara-hara! Moment ko, ito girl!” Ang beauty ni Versoza, total eclipse from the heart talaga!

Parang hindi naman masyadong nag-effort si Catriona sa commercial, huh! May silver embellishments ang kanyang suot. May parang case which she used to the hilt. May malambing na tanong na “Do you mind?” at siyempre pa, it ended with a slow motion shot kung saan captured ang kanyang kabogerang pag-ikot with mat­ching hair flip at inabot niya kay Kylie ang alcoholic beve­rage.

Sure na sure na in the months to come, marami pang magagandang mga commercial na pagbibidihan ni Ms. Universe Catriona Gray. Love her! We all love her!
***

Alden may surprise cake kay Kathryn

Kinilig ang diva that you love sa charm offensive that Alden Richards is currently employing para sa kanyang bagong katambal na si Kathryn Bernardo.

May pa-surprise cake ang Pambansang Bae kay Bernardo. Ang dalaga, malugod naman itong tinanggap at marami ang natuwa na ang gesture ni Richards, alam mong much appreciated ni Bernardo dahil nga it ended with a tighter than tight hug.

Ang ganitong gentleman from the old school the moves ni Faulkerson, talaga namang endearing. Alam mong ginagawa na ni Alden ang kanyang homework, he is doing his best para magka-connection siya sa kanyang bagong kapareha.

Alam naman nating lahat na “stranger” pa si Richard sa Millennial Showbiz Princess. Ang ganitong ganap, tiyak mas magiging madali at natural ang kanilang “chemistry” ‘pag nag-roll na ang cameras at nag-shoot na sila sa Hong Kong.

Ang mga nakasaksi sa pangyayari, maligaya at galak na galak. Marami pang tiyak na inihahandang sorpresa si Alden para kay Kathryn. Walang duda na smooth sailing ang kanilang shooting. Hindi rin ako magtataka sa katotohanang magiging mainit ang pagyakap sa kanilang pelikula.