NI: NONIE V. NICASIO

Sadyang pang-Miss Universe ang taglay na ganda ni Catriona Gray.

Mabibistahan ito sa kanyang latest Instagram post. Suot ang black and white sexy two piece bikini, ibang klase ang kaseksihang makikita sa nasabing beauty queen.

Mula ulo hanggang paa, kartada diyes ang porma ng dalaga. Simula sa kanyang maamong mukha, sa mayamang dibdib, makurbang katawan, at nakagigigil na legs, bukod-tangi ang Filipino-Australian model, singer, at beauty queen.

Siksik sa alindog ang Miss Universe 2018. Kakaiba ang kanyang sex appeal at tunay na mabagsik ang rehistro sa mga barako ng kanyang kariktan.

Larawan ng isang babaeng hot na hot si Catriona. Hahanap-hanapin ng mga kalalakihan ang kanyang ang alindog . Magigising ang natutulog na ugat ng mga lahi ni Adan dahil sa malakas na dating niya.

Kompletos-rekados talaga ang kanyang porma sa opposite sex!