Nagdilang-anghel si Catriona Gray dahil nakuha niya ang korona ng Miss Universe 2018.
Isang araw bago ang coronation day ng Miss Universe 2018 na ginanap sa Thailand, nag-post si Catriona sa kanyang Instagram ng picture na naka-kulay yellow dress at ang background ay beach. May caption ito na, “Next time the sun rises, the Universe will be upon us. Less than 24 hours to go to @missuniverse! Keep sending me prayers mga kababayan! @jericksanchez @justine.aliman19 @bragaisjojo.”
At nagkatotoo nga, nagbukas ang langit para kay Catriona na maiuwi ang korona ng Miss Universe. Nakaramdam ba siya o para siyang may third eye para mahulaan niya ang kanyang pagkapanalo? Dahil dito, lahat ng Pinoy saanmang panig ng mundo ay nagbunyi sa pagkapanalo niya.
Samantala, nagkakahalaga ng $250,000 o katumbas na P13.2 milyon ang Mikimoto crown na may 500 diamond na tumitimbang ng 30 carats at 120 South Sea and Akoya pearls. Mag-uuwi rin siya ng bonggang prize fit only for queen like Catriona. Ayon sa isang pahayagan sa Abu Dhabi, UAE na ang isang Miss Universe title holder ay mayroong “a year-long salary as Miss Universe and a luxury accommodation in a New York City apartment for the duration of her reign, including living expenses.”