tonite-pak-allan-diones
Simple pero may impact kung manlait ang isang respetadong aktres (RA).

Natawa kami sa comment ni RA tungkol sa isa nitong co-star sa teleserye.

Nang minsang mapag-usapan sa set kung bakit sila tinatalo sa ratings ng katapat nilang teleserye, nagmarka ang mataray na hirit ni RA patungkol sa co-star nilang bansuting aktor (BA).

Walang keber na dayalog ni RA, kaya sila talunan sa ratings ay dahil sa leading man pa lang ay wala na silang binatbat sa kalaban nilang teleserye.

Hirit ni RA, bukod sa parehong guwapo ay matatangkad at tala­gang leading man material ang mga bidang lalaki sa katapat nilang programa, samantalang ‘yung sa kanila ay ni wala sa kalingkingan ng mga ito.

Lumabas ang pagka-witty (and bitchy) ni RA nang banggitin niya ang pangalan ng isang hindi kaguwapuhan, hindi katangkaran at hindi kaputiang politiko na ayon sa kanya ay kamukha ni BA.

Paano naman daw sila makakalaban sa katapat nilang teleserye kung ang leading man nila ay kahawig at katipo ng bansuting politiko?

Dahil likas na matalino at may angking katara­yan, bongga ang delivery ni RA ng simpleng pang-ookray niya na sa kanyang male co-star.

Sa galing niyang magbitaw ng punchline ay malamang nagtawanan ang mga kasamahan niya sa set sa hirit na ‘yon ni RA, pero siyempre ay hindi nila ‘yon ipaparating kay BA.

Ang totoo ay naaliw maging ang director ng teleserye nila sa walang kiye­meng komento na ‘yon ni RA.
Kasi naman, in all fairness ay may punto si respetadong aktres sa unfiltered opinion niyang ‘yon tungkol kay bansuting aktor!

PAK!!

Grabeng panlalait ang inabot ng parol paandar ni Catriona Gray sa National Costume show ng Miss Universe 2018 sa Thailand.

Nagkaroon ng technical malfunction ang giant Christmas lantern na gawa sa Pampanga at hindi ito umilaw nang rumampa na si Catriona.

‘Yun ang malaking blooper ng napiling national costume ng ating kandidata dahil kung umilaw ang nasabing parol ay worth it sana ang lahat ng paghihirap niya.

We all know kung gaano kabongga ang mga parol na gawa sa Pampanga na kapag umilaw ay talagang mamamangha ka, pero without the lights ay mukha itong flat at walang dating.

Ganu’n ang nangyari sa pasabog ni Cat, tapos ay kitang-kita na hirap siyang hatakin ang malaki at mabigat na parol na nakakabit sa likod niya at may apat na maliliit na gulong sa ilalim.
Carpeted ang rampa kaya nag-struggle talaga si Catriona, na any moment ay puwedeng bagsakan ng higanteng parol na ‘yon.

So, mas okey na rin na hindi ito umilaw kesa bumagsak ito sa kanya dahil mas kahiya-hiya ‘yon kung nagkataon.
Nandu’n ‘yung effort na ipakita ang artistry ng Pinoy at i-highlight ang ganda at kultura ng Pilipinas, kaya lang ay nawalan talaga ito ng ningning dahil hindi umilaw ang dapat umilaw.

Minsan talaga, kahit anong paghahanda ang gawin mo, may mga bagay na hindi mo makokontrol at puwedeng pumalpak along the way.

Pangmalakasan pa naman ang National Costume ng ibang kandidata kaya kung hindi ka makikipagsabayan sa payanig mo ay mapag-iiwanan ka.

Grabe lang ‘yung ibang comment ng mga netizen na pamperya levels daw ‘yung NatCos ni Catriona. Ang harsh!

Sana ay makabawi si Cat sa unfortunate incident na ‘yon at hindi ito makasira sa impressive performance niya mula nu’ng simula.
Laban, Cat! PAKK!!