Liza ‘di nganga sa pagsasara ng Dos

Ayaw magmukmok sa isang tabi si Liza Soberano habang sarado ang ABS-CBN 2. Habang wala siyang taping sa serye nila ni Enrique Gil nag-decide siya na ituloy ang kanyang pag-aaral sa online

Kumukuha siya ng kursong Psychology sa Southville International School , Las Piñas City. Malapit na raw siyang magtapos sa first year.
Talbog!

Ken nabangga

Walang balak magdemanda si Ken Chan sa nakabangga sa kanya.

Napuruhan ang sinasakyan niyang Mitsubishi Montero sa may bandang Timog Avenue at Panay Avenue, Quezon City nu’ng June 3.

Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo niya kaya na-shock siya nang may bumangga sa likuran niya na isang van.

“ Hindi po pumasok sa isip ko na magsampa ng kaso. Naawa ako kay tatay,” sambit ng Kapuso aktor sa isang panayam.

Alam niyang nagtatrabaho lang ito at may pamilya.

Isinugod ang driver at mga sakay ng van dahil nasugatan. Wala namang pasa o sugat na tinamo si Ken.

Pia nagpasalamat kay Catriona

Nagkaisa ang dalawang Miss Universe na sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach sa Anti-Terrorism Bill.
Nagpasalamat pa si Pia kay Cat nang mag-post ang huli ng kanyang opinion sa nasabing batas.

@piawurtzbach, “Yes!! Thank you Queen!! #JunkTerrorBill.”

Mababasa sa Instagram account ni Catriona, “There is so much happening in the world and in our nation right now, and I know alot of us want to just tune out because it all gets a bit overwhelming. But please, dont allow that to be the reason we revert into silence and turn a blind eye. We need to stay engaged because this is where our voices count. So let’s help each other by creating spaces that help us keep each other informed and help us understand what’s going on.

I’ve taken the time to research and digest information and come to my own conclusions and I implore you all to do the same. I’ve created an IG story highlight with some resources. I’m not here to influence you to think a certain way, but I hope I can influence you to think for yourself. #JunkTerrorBill.”

Deklara naman ni Pia sa kanyang IG account, “ @piawurtzbach, “I’ve been overwhelmed with emotion lately and I’ve been struggling to put it into words.. I may not always have the right words to say but I can’t deny how this makes me feel. One thing I know for sure is I want to keep learning. I want to keep growing. And I want to see and be part of a change. Stop hate, injustice and racism. #JunkTerrorBill.”

Boom!