Bumisita kahapon si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan binigyan siya ng parangal.
Iprinisinta ng mga opisyal ng Kamara ang kopya ng House Resolution No. 178 na kumikilala sa kanyang naging tagumpay sa Miss Universe pageant.
Nagpasalamat naman si Catriona sa pagkilalang ibinigay sa kanya ng Kamara at sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga opisyal ng kapulungan.
“Thank you so much for the very warm welcome. It is such a wonderful opportunity to see and speak with the leaders of our country. I am very much open to having conversation with you and learn more about the state of our nation. I hope to be back very soon,” pahayag ni Gray.
Si Deputy Speaker at Negros Occidental Rep. Mercedes Alvarez ang nanguna sa pagsalubong at nagpakilala kay Catriona kasabay ng idinaos na simpleng seremonya sa Speaker’s Social Hall.
Wala si Arroyo dahil dumalo umano ito sa panunumpa ng mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa Malacañang.
Ayon kay Alvarez, kaisa ni Catriona ang Kamara sa mga adbokasiya nito para sa kabataan lalo na ang mga naninirahan sa mahihirap na pamayanan.