Catriona, Sam naaktuhang magkasama

Ni Roldan Castro
Marami ang nagulantang sa kumalat na photo at video nina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray. Iniintriga na magkasama sila.
Ang viral post ay galing sa Twitter account na @gabcruzata ni Gabriel Cruzata.
Ang caption niya sa video: “WE SAW MISS UNIVERSE CATRIONA GRAY AND SAM MILBY WUW”.
Sa photo naman ay ito ang caption niya : I am a few meters away from THE Miss Universe 2018. It feels surreal that we breathed the same air lmao.”
Nagsagutan ang mga netizen sa site ng Fashion Pulis.
“Hala kilig much! Push natin to.”
“Yung bf nya of 6 years etsapwera after the coronation eh tapos Sam Milby was with her and her family all along… Hayyyzz…”
“Yup, andito lang siya nagcelebrate ng Holidays. Same managment sila ni Sam under Cornerstone.”
“Ohh… Sana nga yun lang ang reason, that they are under the same management. I like her and Clint Bondad together. I’ll be sad if they break up.”
“Yup. Same management and also same church (Favor Church). Matagal nang umaattend si Cat sa mga Bible study hosted by Sam. Ngayon na lang pinapansin ng mga Mema komo MU na kasi siya.”
“Just because they’re from the same management they have to spend their holidays together? Okaaayy…”
“Bakla ang advance mag isip. Nakita ba sa picture ng magkaholding hands or nag kikiss? Same management sila ni Sam! Linisin mo nga yan utak mo nakapa dumi.”
“Wow ha napicturan lang magkasama marupok agad? Miss World mas focused sa charity at corruption. Mag research ka muna te para di ka #mema HAHAHAHHA.”
“And super judgmental mo. Nag assume ka kaagad sa picture na yan. People are people wala kinalaman pagiging miss U sa marupok na sinasabi mo. New year na oi change na.”
“Galawang promo si Sam! Kay Pia din nakipagclose siya dati.”
“Di ba stolen shot yan? Paano mo nasabi na galawang promo? Yong about Pia naman si Pia mismo nag invite kay Sam. Saka before nanalo si Pia palagi yan pumupunta sa bahay ni Sam kasama ang ex bf nya na kaibigan ni Sam. Alamin mo muna bago mo husgahan si Sam.”
“I dont think may malisya to. Same sila ng manage­ment ni Sam. And I don’t think she’s the type of woman na ganyan kababaw given na she is still in a relationship with Clint. Besides, did sam even notice her before she won miss u? Clint was already there long before all this popularity.”
***

Queen Cat pinagkaguluhan sa airport

Napakatalino talaga ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray. Noong Pasko at Bagong Taon ay nanahimik siya at ni wala rin siyang post sa kanyang social media account. ‘Yun pala, ayaw niyang maistorbo ang festive mode ng Pinoy which is ang pagsasama-sama ng pamilya. ‘Yun kasi rin daw ang kanyang ginawa, kapiling ang kanyang pamilya. Naka-focus ang atensyon niya sa mga mahal niya sa buhay.
Marami nga ang naghahanap sa kanya, may mga nag-aakalang palihim siyang nagpunta na ng America sakay ng eroplano ni Chavit Singson. Pero ang totoo, nasa ‘Pinas pa nga that time si Muning at kapiling ang pamilya.
Nalaman lang nang mag-post si Catriona sa kanyang IG na nasa airport na siya at pumipila.
As of this writing ay nasa US na si Cat at baka may natanguan na siyang tv guesting or may nakalinya nang mga appearance.
Bonggang-bongga ang attire ni Catriona sa airport. Pinagkaguluhan siya. Suot niya ay mahabang itim na boots, naka-maong pants at semi-black stripe jacket styled by Ton Lao and Justine Aliman. PR126 via Vancouver ang kanyang eroplanong sinakyan.
So, nasa New York na ang ating pinagmamalaking si Catriona para tuparin ang kanyang mga responsibilidad bilang Miss Universe 2018.
Samantala, ang franchise ng Miss Universe ay mananatili sa Pilipinas. “It’s still with us,” deklara ni Madam Stella Marquez-Araneta.  (Timmy Basil)