Catriona sumunod sa yapak nina Pia, Pacman

Kung gusto niyong masilayan ang pagiging biba, kudaera at kariktan ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray, alam na alam niyo naman na isa na siya sa mga host sa “It’s Showtime”.

Alam nating marami ang mausisa kung anong enerhiya ang dadalhin niya sa show at kung ang kanyang presensya ba ay makakatulong para mas marami pang mga manonood ang tumutok na daily noontime variety show sa Dos.

Siyempre, kaabang-abang ang kanyang mga outfit, spontaneity at kung paano sila magkakabugan ni Vice Ganda, in terms of glamor. Sa glamor na lang ang tapatan at fashion styling dahil kung sa pisikal na ganda, hindi na natin kailangan pang kantahin ang alin, alin ang naiba, isipin kung alin ang naiba, hindi ba naman?

Limited engagement lang si Bb. Gray sa “It’s Showtime” kaya sa mga panatiko at supporter niya, alam na alam niyo na ang inyong dapat pakatutukan tuwing pananghalian.

Ang isa pang news tungkol sa best Ms. Universe ever, si Gray ang ikatlong Filipino modern day icon na magkakaroon ng wax figure sa internationally famous wax museum na Madame Tussauds.

Si Catriona ay pangalawang Philippines Ms. Universe na magkaka-wax figure. Una, siyempre pa, si Queen P, ang nag-iisang Pia Wurtzbach. Ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao, may wax figure rin sa Tussauds.

Walang duda na sangrekwa talaga ang nahuhumaling at nagmamahal kay Catriona kaya she being immortalized as a wax figurine is the second best thing na maka-close encounter ang 4th Filipina Miss U.

DenLie lagot sa bagsik ng AlDub

As everyone is expecting, pinakukulo, pinag-iinit at pinapausok talaga ang tambalan nina Alden Richard at Julie Ann San Jose sa isang bagong Sunday noontime variety show.

May something ba talaga sila dati na puwedeng muling ibalik? O sadyang bet na bet lang ni San Jose ang salitang “gamitan” at gamit na gamit niya ang Pambansang Bae para siya ay mapag-usapan? O sinasagot niya lang naman ang mga tinatanong sa kanya at wala sa kanyang intensyon o hinagap na maging topic of discussion si Richards?

Nasa tamang edad at pag-iisip na naman sina Faulkerson at San Jose, kung ang drama nila ngayon ay “it’s all coming back to me now”, “and now we’re starting over again” o kaya ay “reunited and it feels so good,” ‘di sige. Go for gold.

Paghandaan na lang nila ang bashing at hating sa mga AlDub fantard na magpahanggang ngayon, may ilusyon at halusinasyon na si Maine Mendoza daw, ay nagngangawa magpahanggang ngayon dahil sa hindi siya tinotoo ni Alden.

Mga fantard, tama na ang paghitit sa usok na mula sa katol. Gising na sa ilusyon, please.