Cavaliers, Warriors nakauna sa semis

MPBL: Collado, Gabo patitigasin ang Steel

Kahit matagal natengga sa upuan, hindi kinalawang ang defendin­g champion Armed Forces of the Philippines at Department of Environment and Natural Resources (DENR) nang makabuwena-mano sa 8th UNTV Cup 2019-2020 best-of-three semifinals nitong Linggo sa Paco Arena sa Maynila.

Sa niratrat na 13 points ni Jerry Lumongsod at tig-12 markers nina Darwin Cordero at Ezer Rosopa, tinaob ng AFP Cavaliers ang Judiciary Magis, 79-74, habang ang tig-19 puntos nina Melvin Bangal at Ralph Lansang ang sinangkalan ng DENR Warriors kontra National Housing Authority Builder­s, 79-63.

Umagpay pa para sa Hukdong Sandatan ng Pilipinas sina Romeo Almerol na gumatilyo ng 11 at Wilfredo Casull­a na naka-10 puntos sa ligang binalangkas ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.

Tatlong marker lamang ang naiambag ng former PH team member na si Eugene Tan ngunit kumaripas ito ng 7 assist, 4 steal at 3 rebound upang pagandahin ang posis­yon ng AFP na may isang abante sa semis sa ligang inorganisa ng UNTV President at CEO Daniel Razon.

Susi rin ng Cavs ang paglimita sa tatlong puntos lang kay former PH team member Eugene Tan na may 7 assist, 4 steal at 3 rebound din.

Ang 12 pts. ni Ed Rivera ang isa pang mahalagang bagay para sa Warriors kalakip pa ang 13 board at 6 feed nito sa mga public servant hoopfest na may P4M tax prize sa champion team na ilalagak nito sa mapipiling charity institution.

Ang mga iskor:
First Game
DENR 79 – Bangal 19, Lansang 19, Rivera 12, Abanes 9, Gamboa 8, Atablanco 7, Ayson 5.

NHA (63) – Mercado 14, Dizon 10, W. Tibay 9, Vitug 6, R. Tibay 5, Alastoy 4, Prado 4, Lustestica 4, Sumayang 2.
Second Game

AFP 79 – Lumongsod 13, Rosopa 12, Cordero 12, Almerol 11, Casulla 10, Quiambao 8, Bautista 6, Tan 3, Fernandez 2, Sergio 2, Araneta 0
JUDICIARY 74 – Dela Cruz 18, Salamat 13, Ybanez 10, Litonjua 6, Bergonio 5, Tolomia 5, Dionisio 3, Marquez 3, Puno 2, Serrano 1. (Aivan Episcope)