Nauwi sa hostage taking ang ikinasang buy-bust operation ng Dasmariñas Component Police Station sa Blessedville Subd., Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Dakong alas-otso ng umaga nang kumagat sa pain ng pulisya si Michael Jordan, 28, tubong Bacolod City subalit nang aarestuhin na ay biglang hinostage ang kanyang live in partner na si Rowena Canuel, 41.

Sa huli ay napilitan ang pulisya na pasukin ang suspek at ‘di naman nagawang manlaban matapos makita ang mga armadong swat team.

Narekober sa bahay ng suspek ang cal. 45 na ginamit nito sa pangho-hostage, mga bala, plastic sachet ng hinihinalang shabu, weighing scale at cash money.