Tuluyang binawian ng buhay sa ospital ang 21-anyos na detainee sa substation ng General Trias Component Police Station sa Gen. Trias City Cavite matapos ang dalawang araw na pagkaka-confine kamakalawa.
Dakong alas-siyete ng gabi nang ideklarang patay ang detainee na si Joshua Sumaylo y Getigan, residente ng Sec. I-5-9 Tropical Village, Brgy. San Francisco, GTC, na nakulong sa substation magmula pa noong Marso 22 dahil sa paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.
Nabatid na nakaranas ng brown-out ang nasabing piitan at dahil ‘crowded’ at may kakulangan sa bentilasyon ay nakaranas ang ilang mga detainee ng paninikip ng dibdib.
Ilang detainee ang naisugod sa ospital kabilang si Sumaylo at minalas na mamatay bunsod ng paglala ng kondisyon nito.