Sabog ang kaliwang sentido ng isang 68-anyos na lalake matapos umanong magbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Brgy. Kalubkob, Silang, Cavite kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Bonifacio Marqueses y Paras alyas ‘Facio’ na umano’y matagal nang iniinda ang pananakit ng dibdib at rayuma na posibleng dahilan sa ginawang pagpapatiwakal.
Nabatid na kagagaling lamang ng biktima sa albularyo kasama ang asawang si Erlinda at dakong alas-11:00 ng umaga ay naupo ito sa bamboo chair sa harap ng bahay at doon isinagawa ang pagbaril sa sarili.
Naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival ng mga sumuring doktor.