Iingay pa lalo ang Quicken Loans Arena ngayon dahil kay Draymond Green, ang pangunahing kontrabida sa Cleveland Cavaliers fans.

Bubuhos ang crowd sa Game 3 para suportahan si LeBron James at ang Cavs na magsimulang aahon mula 2-0 deficit sa NBA Finals series matapos masilat sa unang dalawang laro sa Oakland.

Si Green ang pinakamaingay sa Golden State Warriors, mahilig mang-asar. Ipapaubaya sa kanya ang pag-iingay, focused naman ang mga kakampi sa laro.

“I don’t really think about being up 2-0 because the series could turn so fast,” giit ni Warriors star Kevin Durant. “It’s a great position to be in. I don’t want to take that for granted, don’t get me wrong. But the job is not done, and you can’t relax or be comfortable when you’re still trying to win this thing.”

Sa unang pagkakataon sa series, posibleng makalaro na si 2015 Finals MVP Andre Iguodala.

Isa sa best defenders ng Warriors si Iguodala, pero lumiban ng anim na sunod na laro dahil left knee injury na nakuha sa Game 3 ng Western Conference finals. Gumaganda na raw ang lagay ng 34-anyos na si Iguodala, ayon kay coach Steve Kerr.