Cayco pinasa sa Letran ang NCAA hosting

Pormal nang inilipat ng Arellano University sa Colegio de San Juan de Letran ang responsilibad sa pagho-host sa darating na 96th National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2020-21.

Imbes na magdaos ng pormal na seremonya, idinaan nalang ng NCAA Policy Board ang usapan sa viber group dahil naka-enhanced community quarantine ang Luzon bunsod ng coronavirus disease 2019

Bago itinurn-over ang hosting sa Dominican school, hawak ito ni Atty. Francisco Paulino Cayco ng Arellano University. Si Letran president Rev. Clarence Marquez ang tumanggap ng bagong obligasyon.

“We express our heartfelt gratitude to Arellano University for their excellent leadership of NCAA 95, and to our fellow member schools for their solid and steady support,” saad sa nilabas na statement ng liga.

Hindi natapos ang second semester sport ng 95th season nang pagpasyahan ng board members na i-terminate na lang ito sa pagpapahaba ng ECQ ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 17.

Magiging malaking adjustment naman ito para sa Letran dahil sa ngayon pa lang ay dapat magsimula na ang palaro para sa unang semester ngunit dahil nasa gitna pa ng pandemya, planong simulan ang susunod na season sa May 2021.

“Soon, the plans for NCAA Season 96 shall be presented, observing the ‘new normal,’ assuring our students, supporters, followers and fans about safety and health standards of events and venues, showcasing our quality camaraderie and competition, instilling discipline, inspiring us with the best performances of our school teams and student athletes,” wakas na pahayag ng NCAA. (Aivan Denzel Episcope)