Cayetano bayad-utang, mga deputy pinalobo

Alan-Cayetano

Halos dalawang dosena kongresista ang pinangalanang deputy speaker sa Kamara ilang linggo pa lamang matapos magsimula ng ika-18 Kongreso.

Base sa tala ng secretariat ng M­ababang Kapulungan ng Kongreso, aabot sa 18 mambabatas ang pina-ngalanang deputy spea-ker sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ilang mga tagamasid sa Kamara ang nakapuna sa lumobong bilang ng nasabing opisyal dahil 14 lamang na deputy speaker ang pinahihintulutan sa kasaluku-yang patakaran ng kapulungan.

Nabatid pa na bibigyan umano ng karagdagang budget ang mga hinirang na deputy speaker kumpara sa tinatanggap na pondo ng mga karaniwang miyembro ng Kamara.

Ayon sa Section 31 ng House Rules ng ika-17 Kongreso na napagkasunduang i-adopt ng plenaryo noong Hulyo, 14 na deputy speaker lamang ang pinahihintulan sa ilalim ng kasalukuyang patakaran.

Paliwanag ng isang kongresista na humiling na huwag pangalanan, ang pagtatalaga ni Cayetano ng higit sa nakasulat sa kasalukuyang patakaran ay labag sa House Rules maliban na lamang kung magpasya ang plenaryo na amyendaha­n ito.

Paliwanag naman ni House Majority Floor Leader Ferdinand Martin Romualdez, “provisio-nally adopted lamang” ang House Rules ng 17th Congress.

Ayon kay Romualdez, inatasan na niya si Senior Deputy Majority L­eader Jesus Crispin “Boying” Remulla na pamunuan ang ad hoc committee na babalangkas sa magiging permanteng patakaran ng Kamara ngayong bagong Kongreso.

“The House Rules are, of the 17th Congress, have been provisionally adopted, and as each Congress evolves, to 18th Congress, we amend the rules for this particular Congress,” saad ni Romualdez Dati isa lang ang de-puty speaker ng Kamara at ang tawag dito ay Speaker Pro Tempore. Sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo tatlo ang iti-nalagang deputy spea-ker. Hanggang sa dumami na ang deputy speaker sa mga sumunod na Kongreso.

Nagulat naman si political analyst na si Malou Tiquia sa biglang paglobo ng bilang ng deputy speaker ngayong ika-18 Kongreso.

“Amazing! Thought it was just 24 Deputy Speakers. Now it’s up to 38. And this is reform?” tweet ni Tiquia.

“Grabe! When I was there, 92-97, Speaker then pro tempore. They have appointed 18. Nagkagulo sa last 6 kaya nag add pa ng 20! Ouch!,” dagdag pa nito. (JC C­ahinhinan)