Nanawagan si Department of Fo­reign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano sa United Nations Human Rights Council na huwag namang kundinahin ang administrasyong Duterte sa kanilang giyera kontra droga.

Sa isang press conference, ibinalita ni DFA Undersecretary Ernesto Abella ang ilang kaganapan sa pagharap ni Cayetano sa mga de­legado ng International Human Rights body sa Geneva, Switzerland.

Ayon kay Abella, sinabi ni Caye­tano na ang kampanya aniya ng gobyerno kontra droga ay para mai­salba ang mga Pinoy dito.

“To save lives, to preserve families, to protect communities and stop the country from sliding into a narco state,” paliwanag ni Cayetano sa mga delegado.