Hindi pa rin nawawala ang init ng naging unang laban ng Ateneo de Manila University at University of the Philippines sa UAAP Finals Game 1.
Pero sa pagkakataong ito, naiba ang sentro at mukhang pinagkaisahan ng mga nasa kampo ng dalawang unibersidad ang isa sa supporter ng kanilang naging laro.
Sa Twitter ay pinagpasahan ng mga netizen kung kanino mapupunta si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano.
Sa tweet ni Jai Cabajardashian, makikita ang larawan ni Cayetano na nanood ng UP-Ateneo game sa MOA Arena, caption nito “Ateneo, sa inyo na siya.”
Sinagot ito ni Kobe Shon (@_shoon_), “No thanks!!!”
“No return, no exchange po,” sabi ni HD’ Baroness (@ILoveSteak). Isa naman sa obserbasyon ng netizen ay natalo ang UP dahil nanuod si Cayetano. Ganito din umano ang nangyari sa laban ng Team Pilipinas noong Biyernes dahil nanood din ang isang dating opisyal ng pamahalaan.
Si Cayetano ay nagtapos sa dalawang unibersidad. Graduate ito ng B.A. Political Science sa UP Diliman, habang tinapos nito ang Juris Doctor sa Ateneo School of Law.
Bukod sa dating kalihim, nanood din ng Game 1 ang mga senador na sina Sonny Angara, Frank Drilon at Dick Gordon.