Hinikayat ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero si Sen. Alan Peter Caye­tano na mag-resign muna bilang senador bago gampanan ang kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Iginiit ito ni Escudero matapos na italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano bilang kalihim ng DFA bago ito tumulak patungong Cambodia, China at Hong Kong nitong Miyerkules.

“Hangga’t hindi siya nagbibitiw at nag-a-assume ng posisyon as secretary; hindi niya maaa­ring gampanan ng buung-buo ang kanyang tungkulin bilang kalihim,” ayon sa senador.

Ipinaliwanag ni Escudero na kung acting secretary lamang si Cayetano, hindi siya pwedeng mag-appoint ng permanente at hindi rin pwedeng pumirma ng voucher hanggang hindi siya nagre-resign bilang senador.

“At hanggang hindi siya nako-confirm formally ng Commission on Appointments lalo na in-session ang Congress sa pagkaka-appoint sa kanya hindi ito ad-interim appointment kung saan buong-buo na ang kanyang kapangyarihan.­

Kailangang hintayin ‘yung kanyang confirmation,” paliwanag­ ni Escudero sa isang forum sa Senado.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na hangga’t hindi siya nakukumpirma ng CA, mananatili pa rin siya bilang miyembro ng Senado kahit na nomi­nated na siya sa puwesto bilang DFA secretary.

4 Responses

  1. Sigurista talaga itong si Cayetano, kabado na ilalaglag siya ng kanyang amo kaya ayaw mag resign bilang senador. di siya ganoong ka confident na makakalusot siya sa CA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA