Cayetano sa mga Kapamilya star: Huwag maging bulag sa abuso ng ABS-CBN!

Nilektyuran ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang aktor na si Coco Martin at iba pang artista ng ABS-CBN dahil sinisisi umano ng mga ito ang administrasyong Duterte sa pagkawala ng kanilang trabaho habang bulag naman sa mga pang-aabuso ng Kapamilya network.

“Loyalty to the company that has given you a good life is important, but you cannot cry injustice and blame public servants when you lose your paycheck, yet not take notice of the fact, yes the fact, that there are grave issues against your network,” sabi ni Cayetano.

Inihayag ito ni Cayetano sa kanyang sponsorship speech sa panukalang batas na magkakaloob ng provisional franchise sa ABS-CBN hanggang Oktubre 2020.

Kabilang aniya dito ang mga paglabag sa labor, tax at maging sa constitutional law.

“By all means, let your voices of support for your network be heard. But if you really want to join the public debate, find it in your indignation to also support due process and fact finding as this issue is imbued with public interest – not just yours,” sabi ni Cayetano.

Kabilang si Martin sa mga artista ng ABS-CBN na binatikos ang administrasyon, ang Mababang Kapulungan ng Kongreso, National Telecommunications Commission (NTC), at Office of the Solicitor General matapos ipasara ang ABS-CBN nang mapaso ang prangkisa nito noong Mayo 4.

Sa kanyang viral Facebook video, sinabi ni Martin: “Hindi labanan `to ng diplomasya. Binarubal na tayo. Tinarantado na tayo. Kinuha na iyong bahay natin. Anong ie-expect natin? Pagdadasal natin sila? Pinagdasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos na tayo. Magsalita tayo.”

“Kasi kung lahat tayo mananahimik, aabusuhin tayo niyan . . . Kasi ito

iyong pagkakataon natin. Wala na tayong trabaho. Ano ang iingatan natin?” sabi pa ng aktor.