Cayetano umastang frontliner kinuyog

Muli na namang nalagay sa alanganing sitwasyon si House Speaker Alan Peter Cayetano kahapon nang halos ibandera nito sa buong Kamara ang isang streamer kasama ang ilang kapalig kung saan mistulang iprinisenta ang sarili bilang `frontliner’ na nakikipaglaban sa paglaganap na COVID-19.

Pinagpiyestahanan sa social media ang mga larawan ni Cayetano habanng hawak ang isang streamer na naglalaman ng salitang `Together with Doctors and Frontliners We Went to Work for You So Please Stay Home For Us’ .

Mistulang naging `copy cat’ si Cayetano sa naging ideya ng mga doctor at medical staff na nakiusap sa publiko sa pamamagitan ng mga `streamer’ o `banner ‘ na manatili sa kanilang mga bahay upang hindi na kumalat pa ang virus.

Hindi na umisip ng ibang istilo ang mga staff ni Cayetano dahil gayang –gaya din nang sinasabing pakulo nito ang mga `cut out’ na letra na idinikit sa manila paper.

Walang sinayang na panahon ang mga basher sa mga social media sites dahil hindi tinantaan si Cayetano ng mga kritisismo sa kanyang pakulo sa ginanap na special session sa Kamara.

Kasama ni Cayetano na humawak sa streamer si Executive Secretary Salvador Medialdea habang pinaparada sa loob ng session hall .

“How dare you compare yourselves with our brave doctors, nurses and other frontliners!!! Ang kakapal ng mukha nyo. You all digust me,” sabi ni @glydsurbano.
“Cayetano doing what he’s best at- a Master Showman! Parada? Our frontliners don’t need this kind of insult. They need actions! Hazard pay! Medical supplies.Some are improvising by using trashbags! Yet you’re cronies are parading ineptness!!” sabi ni @LeviCanao.

Nakatatak na rin kay Cayetano ang P50 milyong `kalderong ginto’ na pinatayo nito na ginamit sa 2019 Sea Games sa Clark City sa Pampanga.