Mariing itinanggi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na kinatigan nito ang pagbabawal sa paglalagay ng rosaryo at iba pang ­religious items sa mga sasakyan.

Ito ang paglilinaw ni CBCP secretary general Fr. Marvin Mejia kung saan pinabulaaan nito ang lumabas na ulat na binanggit ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Aileen Lizada na kinonsulta ito at pumayag na ipagbawal ang pag­lalagay ng rosaryo sa dashboard ng mga sasakyan.

Giit nito, bagama’t nakausap nito si Lizada ay wala namang napag-usapan sa pagitan nito na may napagkasunduan ang mga ito.

Apela pa nito sa LTFRB na dapat ikonsidera nito ang cultural at religious traditions ng mga Filipinos ­bago ipatupad ang isang batas tulad ng Anti-Distracted­ Driving Act (ADDA).