Isinantabi ng Malacañang at Simbahang Katolika ang hindi pagkakaunawaan at kinondena ang pambobomba ng mga terorista sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ipinahayag ni Fr. Jerome Secillano, exe­cutive secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Confe­rence of the Philippines (CBCP), na ipinauubaya nila sa gobyerno ang imbestigasyon sa magkasunod na pagsabog sa naturang simbahan kung saan nasa 20 katao ang namatay at higit 80 ang sugatan.

“Naniniwala din ako na gagawing lahat ng
pamahalaan para mapanagot kung sino ang mga responsable sa nangyaring mga pagsabog,” ani Secillano.
Nauna rito ay inihayag ng Malacañang na galit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga may kagagawan ng pambobomba sa ka­tedral.