CCT beneficiaries target ng ‘Tsekap’ ng DOH-Mimaropa

Sinimulan na ng Department of Health (DOH) sa MIMAROPA region (Occidental at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang kanilang ‘Tsekap’ delivery program na target matulu­ngan ang mga pamilyang nasa ilalim ng Conditio­nal Cash Transfer (CCT) Program ng gobyerno.

Ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo, ang DOH ang ba­balikat sa lahat ng gastusin sa check-up pati pagpapa-ospital at gamot hanggang sa makarekober ang pasyente.
“We will make sure that every member will be provided with utmost care that they deserved,” ayon kay Janairo.

Nabatid na may 237 miyembro ng CCT sa Oriental Mindoro ang napagkalooban na ng physical check-up, random blood sugar and blood testing, urinalysis, sputum exam, eye check-up, complete blood count at malaria smear testing.

Sampu umano sa mga ito ang na-diagnose na may katarata, goiter at end-stage renal disease.

Nabatid na may koordinasyon ang ‘Tsekap’ program sa local social welfare officers, local chief executives at Phi­lippine National Police para sa transportasyon ng mga pasyenteng nasa malalayong lugar patu­ngo sa mga pagamutan.