Sinumulan na ang paglalagay ng ng mga closed-circuit television (CCTV) sa public market sa Quezon City upang ma-monitor kung nasusunod ang physical distancing at para na rin sa seguridad ng mga mamimimili.
“It is important that we ensure that social distancing is properly implemented as we enter the crucial part of the enhanced community quarantine,” ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.
Ilan sa mga palengkeng lalagyan ng CCTV ang Commonwealth Market, Litex Market, Susano Market, Tandang Sora Bayan Palengke, Q Mart at mga palengke sa Balintawak.
“The CCTV cameras would serve as extra set of eyes for our authorities on the ground as they strictly implement social distancing to stop the spread of coronavirus disease 2019 (COVID-19),” ayon pa sa alkalde.
Ayon kay Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, imomonitor sa Disaster Risk Reduction and Management Office QCDRRMO Command Center ang mga sama-samang kuha sa CCTV.
Pwedeng ma-access ang mga ito ng authorized personnel sa kani-kanilang cellphone at Kayang mamonitor ang tatlong magkakatabing palengke.
“These cameras will provide real-time situation in our public markets. Our monitoring center will alert authorities on the ground if social distancing is not strictly followed,” ani Kimpo.
Una rito, inatasan ang mga palengke na limitahan ang entry at exit points at maglagay ng panghugas ng kamay at alcohol para sa publiko. (Dolly B. Cabreza)