Mukhang malayo pang magkaroon ng ‘ceasefire’ ang Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine. Kasama rin sa family circus of scandal ang magpinsang Nicole at Julia Barretto.
Hangga’t hindi natatapos ang patutsadahan sa kanilang respective social media accounts, may mga iba pang tao ang madadamay. Kasama na rito ang isa pang controversial figure, ang businessman na si Atong Ang na nagbigay na rin ng kanyang sariling statement matapos na-drag ang kanyang pangalan sa iskandalo.
Although hindi sila kasama sa gulo ng mga Barretto, hinihintay ring magbigay ng pahayag ang longtime partner ni Gretchen, ang negosyanteng si Tony Boy Cojuangco. Maging ang kaisa-isa nilang anak na si Dominique, in defense of Gretchen.
Kahit naihatid na sa kanyang final resting place ang Barretto patriarch na si Miguel Barretto, ongoing pa rin ang ‘giyera’ sa kanyang mga anak at ilang apo. Pero ang maganda, hindi nakikisali sa gulo sina Mito, Michelle, Jay-Jay at Gia.
Hanggang sa kanyang kinaroroonan ngayon, hindi pa rin matatahimik ang kaluluwa ni Miguel hangga’t hindi nagkaka-ayos ang kanyang iniwang pamilya.
Albert maiiwang mag-isa ng mga anak
Dalawa na sa tatlong anak ng 58-year-old Kapamilya actor na si Albert Martinez ang may asawa. Ito’y ang panganay na si Alyanna at ang bunso na si Alissa na kamakailan lamang ay ikinasal sa Alberta, Canada kay Paulus Reyes.
Naiwang single ang kaisa-isang anak na lalaki ni Albert na si Alfonso.
Kapag nag-asawa na rin ito ay maiiwang mag-isa si Albert. Mahigit apat na taon na ring biyudo magmula nang sumakabilang-buhay ang kanyang misis na si Liezl.
Pero mukhang wala pa sa immediate plans ng aktor na muling maghanap ng kanyang bagong makakasama sa buhay dahil mas focused ito ngayon sa kanyang trabaho. Kung may libreng oras ay dinadalaw niya ang kanyang panganay na si Alyanna at apo.
Sa recent wedding nina Alissa at Paulus, muling nabuo ang pamilya ni Albert. Muli niyang naka-bonding ang tatlong anak, dalawang son-in-law at kaisa-isang apo na si Adalyn.