Ceasefire sa EJK inquiry

alan-peter-cayetano

Hiniling kahapon ng isang senador ang pagpapaliban ng imbestigasyon ng senate committee on justice and human rights hinggil sa diumano’y extrajudicial killings habang nasa labas ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangangamba kasi si Sen. Alan Peter Cayetano na baka mapahiya si Pangulong Duterte sa pagdalo sa international forum sa susunod na linggo habang patuloy naman ang imbestigasyon ng komite sa serye ng patayan sa bansa.

Si Pangulong Duterte ay lilipad patungong Brunei sa susunod na linggo bago pumunta sa ASEAN meeting sa Laos kung saan sasaluhin ng Pangulo ang hosting ng ASEAN summit sa 2017.

“Mayroon po tayong international gathering, heads of states ang kasama ng Pangulo next week tapos sasabayan natin ng hearing na ganito at pipilahan ng witnesses ng mga kamag-anak ng pushers?”katuwiran ng senador.