Tinabla ni Sen. Leila de Lima ang kahilingan ni Sen. Alan Peter Cayetano na magkaroon ng ceasefire ang Senado sa imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings habang nasa ibang bansa si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.
Ayon kay De Lima, papayag lang siyang magkaroon ng ceasefire habang nasa ibang bansa si Pangulong Duterte kung titigil din ang mga patayan sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.
“Sana nga, if you’re asking, ang pinakatamang gawin ay mag-ceasefire sa patayan,” giit ng senador.
Nauna rito ay iginiit ni Cayetano na isuspinde ang resumption ng imbestigasyon ng Senate committee on justice and human rights habang nasa abroad si Duterte pero iginiit ni De Lima na sa Setyembre 7 ang hearing at hindi sa Setyembre 5.
itigil daw ang pagpatay…hahaha ipatawag nyo yong mga hitman ng mga druglord at abisohan nyo na ceasefire muna sa EJK,,