Cebu Archdiocese may dasal kontra El Niño

Naglabas ng Oratio Imperata o panalangin para sa ulan ang Archdiocese ng Cebu sa gitna ng tumitinding epekto ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, dadasalin sa lahat ng simbahan ng arkidiyosesis ang na­sabing panalangin.

Ang Oratio Imperata ay isang panalangin na binuo ng isang obispo kapag may kalamidad.

Inilabas ito ilang araw matapos isailalim ang buong lalawigan ng Cebu sa state of calamity dahil sa El Niño na sumira sa mga pananim at nagdudulot ng kakulangan sa suplay ng tubig.

Nauna nang hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang buong arkidiyosis na isama sa Panalangin ng Bayan sa bawat Misa na ipagkaloob ng Panginoon ang biyaya ng ulan na kailangan ng bansa sa gitna ng krisis sa kakula­ngan ng tubig.

Sa circular letter na nilagdaan ni Cardinal Tagle para sa mga rector, parish priest, chaplain, religious communities at mga head ng secular institute ng Archdiocese of Manila, inanyayahan niya ang mga ito na magkaisa sa pananalangin para sa ulan na kailangan na dulot ng tagtuyot. (Mia Billones)