Namayani ang tensyon sa dalawang lugar sa Cebu City matapos makatanggap ng bomb threat kahapon ng umaga.
Dahil dito, agad na binantayan ng mga awotridad ang Cebu City Hall at La Nueva Supermarket sa lungsod saan nakatanggap ng pananakot na pagsabog.
Kaugnay nito, pinawi naman ni Cebu City Councilor Dave Tumulak ang bomb threat at sinasabing hoax lamang ang natanggap ng mga empleyado.
Ani Tumulak, hindi nila alam kung kanino galing ang text message na natanggap ng mga empleyado at mahihirapan din silang ma-trace ito lalo na kung prepaid sim card ang ginamit.
Matapos maipasuri sa mga awtoridad ang buong gusali ng City Hall, idineklara naman itong ligtas.