Matapos alisan ng hurisdiksyon sa local police, binawian na rin ng security escorts si Cebu City Mayor Tomas Osmeña.
Maging ang trusted aide ng alkalde na si SPO1 Adonis Dumpit at dalawang security pa ay inalis na matapos bawiin ng National Police Commission (Napolcom) ang karapatan nito sa local police.
Napag-alam na binawi ng Napolcom ang police power ng alkalde matapos nitong alisan din ng suporta mula sa kanyang panunungkulan ang local police force nito.
Una nang binawi ni Osmeña ang may 50 armas, 15 patrol vehicles at itinigil ang allowance ng mga police officers matapos umanong hindi ito naimpormahan sa pagpalit ng kanyang city police director na si Sr. Supt. Benjie Santos Jr.