Maaga pa para magpasya kung hanggang kailan paiiralin ang lockdown sa Cebu, ayon kay Governor Gwendoyn Garcia, gayunman, sinabi nito na depende ito sa magiging sitwasyon sa Metro Manila.
Nauna rito ay isang executive order ang nilagdaan ni Garcia na isinasailalim sa enhanced community quarantine ang buong lalawigan ng Cebu subalit hindi nakasaad kung kailan matatapos ito.
βI did not want to give false hopes to the Cebuanos. I did not want them to look at a particular date. It would be like a promise that I may not be able to keep and so I kept that open,β paliwanag ng gobernador.
Subalit magiging malaking batayan aniya kung ano ang mga kaganapan sa Luzon bago siya magpasya ng susunod na hakbang.
βIt also depends on how the Manila situation will develop because we are all connected and so we really, really hope and pray that the Luzon situation will soon improve and they will soon flatten the curve,β ani Garcia.
Kapag hindi aniya bumuti ang sitwasyon sa Luzon ay hindi rin basta matutukoy kung hanggang kailan mananatili ang enhanced community quarantine sa Cebu. (Prince Golez)