Pinatawan ng 90-araw na suspension ng Sandiganbayan si Dimanjug, Cebu Mayor Efren Gica matapos nitong pekein ang isang resibo sa restaurant at dagdagan ito ng P10,000.

Sa resolution ng Sandiganbayan Fourth Division ay inatasan nito ang Department of Interior and Local Government(DILG) na ipatupad ang suspension order matapos na ring mapatunayan na guilty si Gica sa kasong graft, falsification at malversation.

Ang kaso ay nag-ugat matapos umanong dayain ng alkalde ang nagastos niya sa kinain ng mga dumalo sa Barangay assembly, ang orihinal na halaga nito ay P11,435 subalit sinabi ni Gica na ito ay nagkakahalaga ng P21,435.

Nabatid na sa isingawang arraignment noong Enero 23 ay nag-plead ng not guilty ang alkalde at binigyan ito ng 10-araw para magkomento kung bakit hindi siya dapat suspendihin.

“Gica failed to file any answer to such Order despite the period of time given for him to do so; thus the subject Informations are deemed valid,” ayon sa desisyon ng graft court.

Kasabay ng desisyon ay nagpalabas din ang graft court ng cease and desist para itigil na ni Gica ang pagganap sa kanyang tungkulin bilang alkalde. (Tina Mendoza)