Cebu police chief bagong PCSO GM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cebu City Police Office director Col. Royina Garma bilang bagong general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Papalitan ni Garma si PSCO General Ma-nager AlexandeR Balutan na matatandaang nagbitiw sa puwesto noong buwan ng Marso dahil sa mga akusasyon ng korapsyon sa nasabing ahensya na mariin nitong itinanggi.

Sa hiwalay na pana-yam kay Garma, sinabi nito na ang kanyang paglipat sa PSCO ay inihayag na ni Pangulong Duterte sa command conference nito sa Phi-lippine National Police at Armed Forces of the Philippines na ginanap sa Malacañang noong Hunyo 18.

Nabatid na manunungkulan si Garma bilang PCSO general manager simula sa buwan ng Hulyo. (Prince Golez/A­ileen T­aliping)­