Matapos ang 12 taong pakikipaglaban, tuluyang inabsuwelto ng Sandiganbayan ang isang Cebu public school teacher na unang nasentensyahan sa Regional Trial Court (RTC) ng apat na taong pagkakabilanggo.

Sa 11 pahinang desisyon ng Sandiganbayan Se­cond Division, pinawalan ang akusadong si Juanita Albiso sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 or Anti-Child Abuse Law.

Sinaktan umano ni Albiso ang isa sa kanyang estu­dyante noong Setyembre 14, 2004 sa isang Math exercise.

Sinentensyahan si Albiso at nakulong subalit umakyat ang kaso sa Sandiganbayan.

Natuklasan na iba’t iba umano ang statement ng biktima dahil unang sinabi umano nito may saksi sa pananakit subalit sa isa pang pahayag ay sila lang umano ng kanyang guro ang nasa loob ng silid nang mangyari ang insidente.