Inaresto ang kapatid ni dating DILG Undersecretary Lito Ruiz sa isinagawang anti-drug operation sa Talisay City, Cebu kahapon ng pulisya.
Iniimbestigahan na ngayon ang suspek na si Danilo Ruiz, matapos makuhanan ng ilang pakete ng shabu, baril, at bala.
Sa himpilan ng pulisÂya, inamin ni Danilo na gumagamit siya ng ilegal na droga pero pinabulaanan nitong nagbebenta siya nito.
Itinanggi rin nito na sa kanya ang nakumpiskang baril at idinahilang hiniram lamang.
Kasalikuyang nakapiit sa detention cell ng Talisay Police ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.