Binakbakan sa social media ang Cebu Pacific na pag-aari ng mga Gokongwei dahil sa kinansela nitong 28 flight na nagsimula noon pang Sabado at hanggang Abril 30.
Dalawang balikang flight mula Manila patungong Legazpi ang kinansela ng airline company noong Sabado dahil umano sa ‘operational limitations’.
Ayon sa netizen na si CJ Joy Buscato Sevidal, apektado rin ang flight niya noong Sabado na mula Butuan pabalik ng Maynila at hindi man lang sila inabisuhan sa text o sa e-mail.
“Grabe!! Our refunded fare 12K 3PAX and our new ticket in AIRASIA costs us 33K for 3 passengers. We travelled from Butuan to Davao for 6HRS!! ANG HASSLE SA PART NAMIN!!!” sabi ni Sevidal.
Kahapon, sinabi ng Cebu Pacific na 24 sa kanilang mga flight ang kanselado simula kahapon, Abril 28, hanggang Abril 30 dahil sa tinatawag nitong “unprecedented level of disruption to our operation.”
Sabi ng netizen na si Halley Timosa na naka-book sa April 28 flight papuntang Tagbilaran, “walang bagyo, walang security risk, then it means lack of crew or negligence. No nothing. Ikaw pa magmamakaawa para maaisakay ka. May pa hotel daw wala naman binigay.”
Tweet ni @gwenny, “Pinaganda pa rason! Ang totoo, overbooking! Buaya kc sa booking!”
Tweet pa ni Alec Bacz, “Wow @CebuPacificAir is really out there cancelling flights LAST MINUTE and not having any other available dates until two days later. PEOPLE HAVE TO GO TO WORK YOU A*******”.
Humingi na ng paumanhin ang Cebu Pacific sa mga pasahero nito at sinabing ang pagkakansela ng mga flight ay makakatulong para maiwasto ang oras ng mga flight nito at mabawasan ang aberya sa mga pasahero maliban na lang iyong mga naka-book sa apektadong flight. (Eileen Mencias)