CebuPac-Gokongwei nagkansela, naduwag sa kidlat

Umabot sa 54 domestic at international flights sa apat na passenger terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pansamantalang sinuspende kamakalawa nang gabi (Linggo) dahil sa Red Lightning Alert (RLA) na inisyu ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa)

Nasa 41 Cebu Paci­fic flight ang nakansela noong Hunyo 9 at 10 dahil sa malalakas na kidlat.

Ang Red Lightning alert ay isang safety measure para maiwasan ang anumang insidente na mangyayari kung may malakas na kidlat sa lugar na maaring banta sa ka­pahamakan ng mga personnel, pasahero at flight operations na naranasan sa NAIA.

Matatandaang noong Linggo nang gabi nagpa­labas ng RLA na nagdulot ng pagka-delay ng may 9 international flights sa NAIA terminal; 13 international at walong domestic flights sa terminal 2; 12 naman sa terminal 3 na kinabibila­ngan ng limang international flights at pitong domestic flights.
Habang sa Terminal 4 umabot naman sa 12 domestic flights.

Matapos ang dalawa at kalahating oras ng suspensiyon ng ground movement sa rampa ng personnel at flights ay nakaranas ng succession of flights of arrivals sa NAIA.

Ang Manila International Airport Authority (MAIA) at ang mga airline company ay nagtutulungan para nasolus­yunan ang sitwasyon para maibalik sa normal flight operation sa paliparan.

Humingi ng despensa si MIAA General Ma­nager Ed Monreal sa mga naapektuhang pasahero sa naganap na insidente. (Otto Osorio)