CebuPac-Gokongwei nireklamo sa seat sale

Sa kabila ng mga ope­rational problem, mu­ling naglunsad ng seat sale ang Cebu Pacific (CebuPac) ng mga Gokongwei ngayong linggo.

“Hello, is there an issue to your online checkin? Nagry kami several times since mor­ning nage-error. Can you check,” tweet ni Kat Mojica kahapon.

“Everytime I see a seat sale alert!, I cringe. How about yall fix your services first??” tweet ni Mylene @thatgirlmylene.

Sa kabila ng mga na­ging problema nito, marami pa rin ang dumagsa sa website ng CebuPac para maka-book at may mga nadismaya.

Naka-book ang netizen na si Jenni Fernandez pero wala siyang natanggap na confirmation kahit na nakaltas na ang bayad sa kanyang card.

“I booked a flight via Getgo and I did not receive the details or any confirmation. My card was charged. Been cal­ling and sending you inquiries via messenger and email. Nobody has gotten back to me,” sabi ni Fernandez sa Facebook page ng CebuPac.

“Your website isn’t working on phone ma­nage booking and check-in won’t load,” tweet ni Tobias Franz.

Tweet pa ni KB @justmekb_, “Umm @CebuPacificAir may problem aba? Invalid reference number daw, when in fact sa inyo galing yun, di ba?”

“Couldn’t log in. My account was blocked!! I’ve changed my passwords and all but still nothing,” tweet ni Abby Mariel Dignos.

Ayon kay CebuPac spokesperson Charo Lo­garta Lagamon, may mga nag-aalinlangan pa rin bumili sa seat sale dahil sa naging problema ng airline.

Sabi ni Lagamon, ina­ayos na ng CebuPac ang mga naging problema nito sa operations at wala itong kinalaman sa seat sale ng kumpanya.

Nagkansela ng 172 flights ang CebuPac mula Abril 28 hanggang Mayo 10 dahil nagpatong-patong ang mga problema nito. Kaila­ngang daw ikansela para mapaganda ang ontime performance ng kompanya. Sa pinakabagong datos na inilabas ng Department of Transportation, nasa listahan pa rin ng nangungulelat ang CebuPac pagdating sa on-time performance nu’ng Mayo 22 sa Ninoy Aquino International Airport, Clark International Airport, Bohol-Panglao Internationa­l Airport, Mactan-Cebu International Airport at Davao International Airport. (Eileen Mencias)