Sa sandaling mapa­sakamay ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang listahan ng mga drug perso­nality ay agad umano silang tutungo at kakatok sa bahay ng mga ito.

Sinabi ni dela Rosa na hanggang ngayon ay blanko pa ito kung sinu-sinong mga showbiz personality ang nasa bagong listahang hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinasabing sangkot sa illegal drugs.

“Hindi ko pa nakikita ang drug list hanggang nga­yon kaya wala akong alam kung sino ang mga artistang dawit sa ilegal na droga,” dagdag ni dela Rosa.

Kaugnay nito ay kinumpirma ni Quezon City Police District (QCPD) Acting Director Sr/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar na hindi nila titigilan ang pagtugis sa mga celebrities sa kanyang nasasakupan kahit pa umano wala pa sa kanilang kamay ang listahan na hawak ng Malakanyang.

Inamin din ni Eleazar na sa pag-aresto kay Sabrina M. ay mayroon itong isiniwalat na mga celebrities na sangkot din umano sa iligal na droga subalit hindi ibinun­yag ng opisyal.