CELEBRITY COUPLE, BULILYASO ANG KASAL

MALAKAS ang kutob naming hindi na matutuloy ang kasal ng isang celebrity couple this year.

Isa ang showbiz couple na ito sa mga ­nakalinya ang wedding ­ngayong 2017.

Early last year pa napabalitang ikakasal sila, hanggang sa in-announce nila na hindi 2016 kundi 2017 magaganap ang kanilang kasal.

Nang i-announce ‘yon ng dalawa ay ­tila ayos na lahat, mula sa bubuo sa entourage hanggang sa venue at sa petsa ng wedding.

Tapos na nilang lapi­tan isa-isa ang kanilang mga ninong at ninang sa kasal.

Pero kung kailan malapit na ang kanilang wedding date ay tila ­wala nang balita sa celebrity couple.

Ni ha ni ho ay wala silang pasabi o abiso man lang kung tuloy pa ba o hindi na ang kasal nila na matagal na nilang pinagpaplanuhan.

Feeling namin ay walang kasalan na magaganap dahil ang lapit na ng napili nilang wedding date, pero wala pa silang naipamudmod na imbitasyon hanggang ngayon.

Clueless tuloy ang mga kasama sa ­entourage dahil hindi man lang ­sila ini-inform ng celebrity couple kung ano na bang balak nila.

NGANGA ang mga kaibigan ng dalawa dahil lahat sila ay ­naghihintay ng update tungkol sa inaasahang ­kasalan.

Ang dinig namin ay nagkaproblema si celebrity groom dahil hindi pa pala annulled ang marriage nito sa unang babaeng pinakasalan nito.

Tila hindi na-anticipate ni male ­celebrity ang problema at buong ­akala niya ay maaayos ang lahat bago ang itinakdang petsa ng kasal nila ni ­female celebrity.

Tahimik pa ang celebrity couple at wala pang pormal na announcement hinggil dito, pero isang malapit kay groom ang nagsabing malamang ‘yun ang problema dahil kasal pa ito sa una nitong asawa.

Hindi namin alam kung anong ­dating ng balitang ‘yon kay female ­celebrity, na looking forward nang maikasal sa lalaking mahal niya.

Ang isa pang ipinag-aalala ng mga malalapit sa celebrity couple, kadalasan sa mga nauudlot ang kasal o nare-resked ang wedding date ay tuluyan nang hindi natutuloy ang kasal.

MABULILYASO kaya nang ­tuluyan ang wedding ng celebrity couple at makansela na for good ang kanilang altar date?

Aray koh!

ANG SAKLAP NAMAN, BES!

***

Isa pang nagdedelikado ay ang good-looking showbiz couple na ito na engaged na rin to be married.

Marami nang nag-aabang sa kasal ng ­dalawa mula nang ­lumuhod si ­lalaki at bigyan ng singsing si babae.

Ang nakarating sa aming tsika ay meron ding previous marriage si showbiz guy na binding pa rin at hindi pa napapawalang-bisa ng korte o ng simbahan.

Ang maganda sa nasabing showbiz couple ay wala pa silang ina-announce na petsa kung kailan nila ­gustong magpakasal.

Puwede pang trabahuhin ni showbiz actor ang problemang ‘yon para maging plantsado ang lahat at hindi sila magkaroon ng legal hindrance ng mapapangasawa niya.

Walang alam ang industriya sa pagpapakasal na ‘yon ni showbiz guy in the past, kaya ‘pag lumabas ‘yon ay malamang marami ang magulat na married na pala ang kilalang aktor.

Posible ring aregluhin na lang ito quietly ni showbiz guy para huwag nang malaman ng publiko.

Sa kanilang dalawa ay si showbiz guy ang atat na atat nang maging ­legal na asawa si showbiz girl.

Feeling namin, kung si groom ang masusunod ay ASAP na ang ­wedding, pero baka maantala ito kung ­totoong may legalities na kailangan pang ­ayusin.

Tila pareho ng kapalaran si male celebrity at si showbiz guy… kapuwa nilang gustung-gusto nang ihatid sa altar ang mga fiancée nila at ibigay rito ang kanilang mga pangalan.

Pero tila hindi ganu’n kadali ‘yon dahil sa mga usa­ping legal na kailangan muna nilang harapin at ayusin.

Mukhang susubukin ng batas ang kanilang pag-ibig, pati na ang kanilang pasensiya at determinasyon.

KAPIT LANG, MGA BES!!