
Dahil palagi itong in the news lately, maraming gustong makatsika sa isang controversial personality (CP).
Sa isang private event na dinaluhan nito, nag-request ang mga guest doon na maka-table si CP dahil gusto nilang marinig ang mga kuwento nito tungkol sa isang pinag-uusapang celebrity (PC) na nakabangga nito.
Very open naman si CP sa pagsi-share ng kanyang istorya sa mga interesadong makinig.
May isang kasamang gay friend si CP na ang tsika niya ay tine-text din ni PC at kung ano-ano raw ang sinasabi rito.
Bottomline ay gustong palayuin ni PC ang nasabing friend ni CP, or else ay madadamay daw ito sa hidwaan nilang
dalawa.
Isa lang daw ‘yon sa mga kaibigan ni CP na ang gusto ni PC na mawala sa kanya. Pati mga iba niyang business partner ay tine-text din ni PC at sinasabihang layuan si CP.
In fairness ay hindi naman iniiwan si CP ng mga kaibigan niya at nag-i-stick pa rin ang mga ito sa kanya despite the controversy.
In fairness ulit, normal naman pala ang takbo ng buhay ni CP kahit na-involve ito sa masalimuot na isyu nang dahil kay PC.
Mas kampante na ngayon si CP at mas taas-noo itong nakakaharap kaninuman dahil wagi siya sa unang round ng bakbakan nila ni PC.
May isang kaso na pinagdarasal nang husto ni CP na sana ay mag-prosper at maging pabor sa kanya ang resulta dahil ‘pag napatunayan ito sa korte ay posible umanong makulong si PC.
Kapag nangyari ‘yon ay sulit lahat ng luhang iniyak ni CP at lahat ng kahihiyang inabot niya dahil sa kontrobersyang ito.
Abangan natin kung sa ending ay kay CP nga ang huling halakhak at hindi sa mortal enemy niyang si PC!
PAK!!
***
Nadine out sa bagong show ni James
Nahulaan agad ng netizens na si James Reid ang isa sa makakasamang judge ni Regine Velasquez-Alcasid sa Kapamilya franchise ng “Idol Philippines.”
Sa silhouette pa lang ay alam na agad ng fans na si James ‘yung guy sa left, na na-confirm din sa kumalat na photo na kuha raw sa shoot ng “Idol” judges.
‘Yung nasa gitna ay si Vice Ganda at ‘yung nasa kanan ay si Moira dela Torre. Ibig sabihin ay magsasama sa isang show ang magkaibigang Regine at Vice na katatapos lang mag-Valentine concert together, so tiyak na riot ito.
Ang unang napabalitang isa sa magiging hurado ay si Jessica Sanchez, pero mukhang hindi ito natuloy dahil si Moira ‘yung pang-apat na judge.
Si Billy Crawford na isa sa judges ngayon ng “World of Dance Philippines” ang magho-host ng local franchise ng “American Idol.”
Nauna nang magkaroon ang TV5 noon ng “Philippine Idol” at ang GMA naman ay nagkaroon ng “Pinoy Idol,” pero parehong bigo na sumikat ang mga nanalo rito.
This time ay baka naman suwertehin na at magkaroon ng future sa music industry ang magwawagi sa “Idol Philippines” ng ABS-CBN.
Nasabi noon ni Regine na excited siya sa reality show na ito dahil first time niyang magiging judge sa buong career niya as a singer. Lagi kasi siyang host, hindi pa siya nag-judge.
Si James ay tatahi-tahimik lang, pero meron pala itong bagong show sa ABS.
2017 pa ang huling teleserye nila ni Nadine Lustre na “Till I Met You” at wala pa itong kasunod up to now.
Buti na lang ay may mga pelikula sila sa Viva Films, like last time ay may “Miss Granny” si James with Sarah Geronimo at si Nadz naman ay may upcoming movie with Carlo Aquino na “Ulan.”
Wala pang announcement kung kailan mag-umpisa ang “Idol Philippines” pero late last year pa sila nagsimulang magpa-audition sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.