Pansamantalang puputulin ang signal sa mobile phone ng ilang telecommunications sa ilang lugar sa Cebu City kasabay ng Sinulog Festival.

Batay sa report, alinsunod sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC), kailangang putulin ang komunikasyon sa mga piling lugar sa Cebu bilang paghahanda sa seguridad na magaganap sa pagdi­riwang ng Basilica Menore del Santo Niño sa Cebu.

Nagsimulang mawalan ng signal ng Smart, TNT at Sun sa ilang piling lugar sa Cebu City at kalapit na mga bayan kahapon na magtatapos ngayong araw, Linggo ng gabi.

Una nang nag-abiso ang kapulisan partikular na ang Police Regional Office (PRO) 7 na iwasang magdala ng backpack para sa mga deboto na makikiisa sa Sinulog activities.

Ayon kay PRO 7 Chief Debold Sinas, agad nilang paaalisin ang debotong may dalang backpack.

Layunin nito na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga nananampalataya kung saan ginagamit ang back pack bilang lalagyan ng pampasabog o ano pa mang magdudulot ng karahasan. ()