Naigapos si Isaiah Thomas sa Game 4, at natalo ang Boston sa Washington para itabla ang Eastern Conference semifinals sa tigalawang laro.
Pagkatapos ng 121-102 loss Linggo ng gabi, umalma si Thomas na kailangan daw mabago ang officiating. Binulabog daw siya nang todo ng Wizards at diniyeta sa two points lang pagkatapos ng first 15 minutes.
“They were very physical. The refs were allowing them to hold and grab and do all those things,” reklamo ni Thomas. “It’s got to be called differently. … I can’t be allowed to be held and grabbed every pin-down, every screen and I don’t even shoot one free throw. I play the same way each and every night. That has to change.”
Inamin ni Thomas na ang 26-0 third-quarter run ng Wizards ang dahilan ng resulta at hindi ang officiating. Pero ngayong babalik ang serye sa Boston para sa Game 5 sa Miyerkules, nag-lobby siya ng mas matalas na tawag matapos niyang hindi bumiyahe sa free throw line kahit minsan.
May 53 points ang 5-foot-9 guard sa Game 2 overtime win ng Celtics at naikahon sa 13 at 19 sa Washington.
Sa Houston, umiskor ang sinisipon na si James Harden ng 28, nagdagdag si Eric Gordon ng 22 at gumamit ng nakakangilong 3-point shooting ang Rockets para ibaon ang San Antonio Spurs 125-104 at itabla rin sa 2-2 ang Western Conference second-round series.
Game 5 Martes sa San Antonio.
May 17 points sa Spurs si Jonathan Simmons, nagdagdag ng tig-16 sina Kawhi Leonard at LaMarcus Aldridge.