Isinalaksak ni Isaiah Thomas ang apat na puntos sa final minute at kinaldag ng Celtics ang Cleveland Cavaliers, 103-99, Huwebes (Manila time) sa Boston.
Isang triple ni Thomas laban sa assist ni Marcus Smart ang naglagay sa Celtics sa unahan, 99-97, 49 seconds sa laro at matapos itabla ni Kyrie Irving, siniguro ni Thomas ang dalawang free shots mula sa foul ni Deron Williams sa huling 28 segundo.
Tumapos si Thomas na may 31 points mula sa 10 of 20 shooting, para ihatag sa Celtics ang 39th win sa 61 games.
Nagsumite naman si Jae Crowder ng 17 points, kasama ang huling dalawang free throws mula sa foul ni LeBron James.
Ang Cavs, buhat sa panalo sa Milwaukee Bucks, ay nilasap ang ikalawang talo sa tatlong laro.
May triple-double performance din si James – – 28 points, 13 rebounds at 10 assists, pero hindi naging sapat at naitala ng Cavs ang 18th loss sa 59 games.
May 28 points naman si Irving.
Sa Florida, nagtala ang New York Knicks ng 101-90 win kontra Orlando Magic.
Nagtulong sina Kristaps Porzingis at Derrick Rose sa opensa ng Knicks sa kinamadang tig-20 at 19 points, ayon sa pagkakasunod.
Habang si Carmelo Anthony ay nag-ambag ng 17 points at nine rebounds.