MIAMI (AFP) — Nagsanib-puwersa sina Isaiah Thomas at Avery Bradley nang pigilan ng Boston Celtics ang second-half rally ng Heat at umiskor ng 112-104 win, Martes (Manila time).
Umiskor lang ang Heat ng 12 points sa second quarter at naghabol na ng 17 puntos sa halftime, bago kumamada ng 42 sa third period.
Pero, hindi nagpabaya ang Celtics at pinigil ang paghahabol ng Heat, sa pamamagitan ni Thomas na may 25 points at 18 mula kay Bradley.
Iniskor ng Cletics ang ika-10 panalo sa 17 sabak, habang ikalawang sunod na talo naman iyon ng Heat.
OAKLAND, Calif. — Kinamao ni Kevin Durant ang late charge para pahirapang matagpas ng Golden State Warriors ang 12 straight wins, pinerder ang Atlanta Hawks, 105-100, sa 71st NBA 2016-2017 season eliminations, Martes (Manila time) sa Oracle Arena rito.
Lubog ng pito, 67-74, sa 3:58 ng third, nagliyab sina Durant at Andre Iguodala sa pagbisig sa 21-7 run, kabilang ang 8-0 blitz sa start ng fourth quarter, pa-seven point lead, 88-81, 9:08 pa. Nagbanta ang Hawks sa dalawa, 89-91, saka nakipagkumplutan si Durant kay Stephen Curry sa pagkakataon sa 11-5 rally para ilagak ang Golden State sa 102-94 count, 2:48 remaining.
Huling lumapit ang Atlanta sa tatlo, 99-102, sa final 1:33, bago dumalawang butata si Draymond Green sa magkasunod na posesyon ng Hawks upang selyuhan ang panalo ng Warriors sa bumubulusok na kalaban.
Nagbabagang nag-umpisa si Klay Thompson sa pamamagitan ng 11 points sa first quarter, saka sinara ng Hawks ang yugto sa 17-4 run pa-29-27 lead. Pagkaraan ng tablahan sa 44 sa 4:58 mark ng second quarter, naglaglag ang Atlanta ng 7-0 blitz at sinikwat ang 53-50 edge sa break bago nakabentahe ng malaki sa third quarter, saka lang naubusan ng hangin sa endgame.