Pinangunahan ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang paglagda sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (RA) No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016.

Ang naturang batas ay pumupuntiryang mapagkalooban ng mga karagdagang benepisyo at pribilehiyo ang Filipino centenarians.

Sa naturang okasyon sa Palasyo ng Malakanyang ay sinabi ni Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo na ang nasabing batas ay magsisilbing tribute sa mga Filipino centenarians na nag-alay ng kanilang buhay para mapatatag ang bansa.

Salig sa RA10868, ang lahat ng mga Pinoy na aabot sa edad na 100 nakatira man sa Pilipinas o sa abroad ay makakatanggap ng centenarian gift na nagkakaha­laga ng P100,000.

Kasabay sa naturang pagtitipon ay pinanguna­han din ni Presidente Duterte ang awarding ceremony­ para sa Child-Friendly ­Municipalities and Cities bilang pagtalima sa Exe­cutive Order No. 184.

Kabilang sa awardees ngayong taon ang Davao City, Region XI na kinilala bilang Highly Urbanized City Category; ­Santiago City, Region II (Independent Component City Cate­gory); Buenavista­ Guimaras,­ Region VI (1st and 3rd Class Municipality Category), at Dumalneg, Ilocos Norte, Region 1 (bilang 4th at 6th Class Munici­pality).