Inumpisahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Region 7 o sa Central Visayas ang assessment sa mga industriya upang ihinto ang ‘endo’ at iba pang uri ng iligal na kontraktuwalisasyon sa nasabing rehiyon.

Ayon kay DOLE-7 Regional Director Exequiel R. Sarcauga, hahatiin sa ilang grupo ang LLCO ng DOLE upang magsagawa ng assessment sa mga pa­ngunahing industriya.

“Bago namin simulan ang assessment sa mga pa­ngunahing industriya, na kinabibilangan ng manufacturers, malls, food chains, hotels, at restaurants. Titiyakin muna namin na nabigyan ng sapat na impormasyon ukol sa ‘endo’ ang lahat ng industriya,” pahayag ni Sarcauga.

Sinabi ni Sarcauga na maliban sa pagbibigay ng impormasyon sa layunin ng pamahalaan na tapusin ang ‘endo’, mahalaga rin na lubos na uunawaan kung ano ang nakasaad sa batas para sa nararapat at ipinagbabawal na kasunduan sa contracting at subcontrac­ting.