Ceres-Negros sa PSA Forum

Bisita sa unang talakayan ng 2020 sa Phili­ppine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa Amelie Hotel-Manila ang Ceres-Negros team na magpapasiklab sa 39th Asian Football Confederation (AFC) Champions League 2020.

Makakatapat ng PH squad ang Shan United Myanmar sa Enero 14 sa bansa, sa umpisa ng qualifying stage ng Asia’s premier club soccerfest na inorganisa ng AFC.

Nasa 10:00 am sports session din na mga hatid ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), sina coach Risto Vidakovic at stalwarts Stephan Schrock at Bienve Maranon upang talakayin ang magiging kampanya sa torneo.
Inaasahang magsasadya rin sa forum sina new signees Mark Hartmann, Hikaru Minegishi, Joshua Grommen at Arnie Pasinabo. (JAT)