Tama ang kuwento sa amin na magsasama sa isang Kapamilya teleserye sina Maricel Soriano at Angel Locsin.
Nag-storycon na ang upcoming primetime series ni Angel nu’ng isang araw at kasali nga sa cast ang nagbabalik-ABS-CBN na si Maricel.
From the makers of Ang Probinsyano, balitang action-drama ang The General’s Daughter ni Angel na papalit sa hit serye ni Coco na 2 years & 7 months na sa ere.
Feeling ng netizens ay si Maricel ang gaganap na ina ni Angel at si Tirso ‘yung General doon sa title.
2014 pa pala ang huling primetime teleserye ni Angel na The Legal Wife. Bukod doon ay naging judge siya sa dalawang season ng Pilipinas Got Talent.
Nagkaroon ng 3-month stint si Angel sa La Luna Sangre na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Kasali rin sa cast ng The General’s Daughter sina Eula Valdes at Janice de Belen.
Ito naman ang unang teleserye sa ABS-CBN ng Kapuso turned Kapamilya na si Ryza Cenon, na pumirma na ng kontrata sa Dos.
Ang sabi ng nagbalita sa amin, kasama rin si Cesar Montano sa teleserye nina Angel at Maricel, pero walang Cesar nu’ng storycon.
Abala ngayon si Buboy sa kanyang role bilang COO ng Tourism Promotions Board kaya hindi namin sure kung may panahon siya para gumawa ng teleserye.
‘I don’t wanna be a star. I just wanna make music’ — Sofia
Natuwa kami na finally ay nai-launch na officially si Sofia Romualdez as a recording artist dahil may talent talaga sa music ang eldest daughter nina former Tacloban Mayor Alfred Romualdez at current Mayor (and former actress) Cristina Gonzalez-Romualdez.
Nang una naming mapanood mag-perform si Sofia sa Tacloban years ago ay nakita na namin na meron siyang sariling tunog at malaki ang promise niya as a singer-songwriter.
Ni-release na ng Viva Records ang second single ni Sofia na Thinkin’ Of U na siya mismo ang sumulat. In fairness ay nakaka-LSS ang song at may mga hagod siyang mala-Moira dela Torre.
‘Yung unang single ni Sofia na Pikit Mata ay nakasama sa soundtrack ng Viva movie na FanGirl FanBoy.
Maliit pa ay mahilig nang kumanta si Sofia, pero walang may alam na nakakakanta siya. Nu’ng mag-15 anyos lang siya narinig ng parents niya na umaawit and then she pursued music na.
Bet namin ‘yung dayalog ng dalaga nu’ng press launch niya na, “I don’t wanna be a star. I just wanna make music. That’s what I wanna do, that’s what I’m passionate about.
Ang ganda rin nu’ng linya ni Sofia na, “I wanna help OPM and I wanna make good music for everyone. I love music, that’s what I wanna do right now, that’s what I’ve always wanted to do and that’s what I see myself doing forever.”
18-year-old Sofia loves to mix a lot of her music influences and find new sound. Ayaw niyang mag-stick sa isa lang at mas type niyang mag-experiment.
Paborito niya sina Nina Simone and Ray Charles because she loves old jazz, blues and soul. Sa modern ay bet niya ang Imogen Heap.
Sa local artists ay hanga siya kina Sarah Geronimo at Yeng Constantino, na maliit pa siya ay pinapakinggan na niya. Bilib din siya kay KZ Tandingan na na-meet niya nang mag-show ito sa Tacloban. Wish niyang maka-collaborate ang mga ito.
Wala raw lovelife ang pretty showbiz newbie at natatawa lang si Sofia ‘pag tinatanong kung inlab ba siya.
Sa tanong kung nakaranas na siya ng heartbreak, ang natatawang sagot niya ay, “We’ve all been there, you know!”
Feeling ng Grade 12 na bagets ay nakuha niya ang talent niya sa music from both her mom and dad because their family really loves music, not just singing.